NBI Clearance Online Application Pinoy Tutorials

Ang purpose ng pag-post ko sa blog na ito ay para makatulong kahit kaunti sa mga Pinoy na gustong makakuha ng NBI clearance gamit lang ang internet sa bahay, sa computer shop at sa iba pang gadgets na may internet access.

Ito ang NBI Clearance Online Application Pinoy Tutorials:

Step 1. Mag log-on lang sa website ng NBI: http://www.nbi.gov.ph/ at i-click lang ang "Clearance Online Registration".


Step 2. Fill up mo lang yung mga kailangan, parang biodata lang yan...
Sa Application Type* mamimili ka kung NEW para sa mga wala pa o RENEWAL sa mga meron na.
Sa Purpose Details* pinili ko ang Local Employment kasi karamihan sa mga kumukuha ng Clearance ay mga magtratrabaho at once na ma-fill up mo na yung mga kailangan i-click mo na yung "Submit".

Step 3. Once na ma-click mo na yung "Submit" sa Step 2, magkakaroon ng extension yung fill up area para sa iba pang detalye kagaya ng halimbawa na nasa picture pagkatapos i-click mo ulit yung "Submit".

Step 4. At kapag na click mo na yung "Submit" sa Step 3, biglang lalabas ang REGISTRATION CODE, kopyahin mo, isave mo sa cellphone mo dahil yan ay importante at pagkatapos i-click mo na yung "Print Application".

Step 5. Once na ma-click mo na yung "Print Application" sa Step 4, yan na ang lalabas kagaya ng nasa larawan, nandyan na rin yung Code, once na ma-print na yan may mga ilan ka pang pipirmahan dyan.

Kapag napaprint mo na pwede mo na yang dalhin sa pinakamalapit na NBI Clearance Centers sa inyong lugar at maghanda ng pambayad.

I hope na itong post na ito ay nakatulong kahit kaunti, please share this blog post to your friends and relatives.

Pwede mo akong i-add sa facebook kung kailangan mo pa ng tulong: CLICK HERE

No comments:

Post a Comment